PDP-Laban, inalis na si Senador Manny Pacquiao matapos maghain ng COC sa ilalim ng PROMDI
Awtomatiko nang talsik sa ruling party na PDP laban si Senador Manny Pacquiao matapos ideklara ang kaniyang kandidatura sa ilalim ng partidong PROMDI.
Ayon kay PDP laban secretary general Atty. Melvin Matibag , sa ilalim ng section 6 article 7 ng PDP laban constitution , ang pagkandidato sa ilalim ng ibang partido ay isang ground for expulsion.
Sinabi pa ni Matibag , nagpulong ang National executive committee noong October 1 at nagpasa ng resolusyon para tuluyang patalsikin si Pacquiao sa partido kung sinasabi aniya ni Pacquiao na siya ang lehitimong Pangulo ng PDP laban.
Dagdag pa ni Matibag , pag -iwan at hindi pagiging tapat ni Pacquiao at ng grupo nito ay katunayang hindi nila iginagala ang konstitusyon ng partido.
Nanindigan naman ang grupo ni Pacquiao na ang PROMDI ay bahagi ng alyansa sa PDP laban at ginawa lang nila ito para mapagsama sama ang suporta sa kandidatura ng Senador.
Meanne Corvera