Senate Committee of the Whole, walang inirekomendang kaso laban sa mga dawit sa Smuggling

Walang inirekomendang kaso ang Senate Committee of the Whole laban sa mga inaakusahang dawit  sa Smuggling.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III bahala na ang Ombudsman na magsagawa ng motu proprio investigation para papanagutin ang mga napangalanan sa pagdinig ng Senado.

Pero kumbinsido si Sotto na aaksyunan ito ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, malaki talaga ang problema ng bansa sa Smuggling.

Hindi lang nito pinapatay ang kabuhayan ng mga magsasaka kundi ang lahat ng mga lehitimong negosyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: