SC, dumipensa sa agarang pagbasura sa inihaing reklamo laban kay Ombudsman Morales

0
conchita

Pinangatwiranan ng Korte Suprema ang agarang pagbasura nito sa inihaing disbarment case ni dating Manila Councilor Greco Belgica laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon kay SC PIO chief Atty.Theodore Te, mali ang naging hakbang ni Belgica, dahil ang mga katulad ni Morales na nakaupo sa constitutional body ay hindi maaaring i-disbar habang nasa kaniyang tungkulin.

Kailangan munang magkaroon ng impeachment proceedings kung nais paalisin sa serbisyo ang pinuno ng anti-graft body.

Kaya naman, hindi na umusad anginihaing  reklamo ng dating Manila Councilor dahil sa kawalan nito ng sapat na merito.

Nag-ugat ang reklamo ni Belgica laban kay Morales dahil sa pag-absweltonito kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isyu ng pagpapatupad ng ₱142B Disbursement Acceleration Program o (DAP) na idineklara ng SC bilang unconstitutional.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *