2 Bilibid inmates patay dahil sa Diarrhea outbreak
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na dalawang inmate ng New Bilibid Prisons ang namatay ngayong araw bunsod ng Diarrhea outbreak sa loob ng state penitentiary.
Batay sa report ng Department of Health sa DOJ, kabuuang 1,212 na ang kaso ng Diarrhea sa bilibid kung saan dalawang lalaking preso na may diabetes type 2 ang namatay.
Dumanas anila ng dehydration at hypovolemic shock ang dalawa na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.
Kaugnay ng outbreak, nakapagpadala na ang DOH ng 1,008 IV fluids at 50,000 aquatabs sa NBP.
Tiniyak ng DOH na patuloy ang pagsasagawa ng monitoring at imbestigasyon sa pagkalason ng mga inmates sa NBP nitong nagdaang weekend.
Una rito ay naipadala na sa Research Institute in Tropical Medicine ang samples ng pagkain at inumin ng mga inmate.
Ulat ni: Moira Encina