Active cases ng COVID-19 , umabot na sa 56,273

Umabot na sa 56,273 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,735 na bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa, habang 4,069 naitalang bagong gumaling.

May 176 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 27,577 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,572,287 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,488,437 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: