8,562 panibagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Biyernes

Umabot na sa 61,920 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 8,562 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 2,854 naitalang bagong gumaling.

May 145 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 27,722 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 1,580,824 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,491,182 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: