AFP nanindigang itutuloy ang airstrike sa Marawi City

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines o AFP na ipagpapatuloy nila ang airstrikes sa Marawi City.

Ito ay sa kabila ng mga panawagang itigil na muna ang airstrikes ng militar para maprotektahan ang sibilyan at mga gusali sa lugar.

Tiniyak ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla na walang nadadamay na inosente sa kanilang airstrikes dahil sa kalkulado ang bawat pag-atake sa ere ng militar.

Giit ni Padilla, epektibo ang ginagawa nilang airstrike sa bakbakan sa Marawi.

Patunay nito ay tatlumpu’t dalawa (32) sa animnapu’t isang (61) napatay na miyembro ng Maute ang nasawi sa pamamagitan ng airstrike.

Matatandaang umapela muli ang Marawi City government sa militar na tapusin na ang airstrikes nito sa Lungsod.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *