Development projects ng Duterte administration mabubulilyaso kapag hindi mapagtibay ng Kongreso ang Comprehensive Tax Reform Program Bill ayon sa Malakanyang

Umapela ang  economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ihabol sa huling araw ng session na pagpapatibay sa Comprehensive Tax Reform Program bill o CTRP.

Sinabi ni National Economic Development Authority o NEDA Director General Secretary Ernesto Pernia  kapag hindi maipasa ang CTRP o kaya ay palabnawin ng Kongreso ang orihinal na bersiyon ng panukalang batas maisasakripisyo ang economic development na gustong ipatupad ng administrasyon.

Ayon kay Pernia ang build build build infrastructure program ng administrasyon sa ilalim ng Dutertenomics ay maging small build program na lang.

Inihayag ni Pernia ang orihinal na panukala sa CTRP kikita ang gobyerno ng 162 bilyong piso sa dinagdagang excise tax samantalang ang gusto ng Kongreso ay gawing 82 bilyong piso para mabawi lugi ng gobyerno sa ipapatupad na income tax reduction mula 32 percent at gagawing 25 percent.

Niliwanag ni Pernia maaapektuhan din ang social services kapag nabigo ang kongreso o kaya ay bawasan ang kikitain ng gobyerno sa CTRP.

Ang CTRP Bill ay sinertipikahan na ni Pangulong Duterte na urgent Bill upang maihabol pa ito sa natitirang araw ng sesyon ng Kongreso.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *