Agriculture Secretary Manny Piñol at NFA Administrator Jayson Aquino, hindi pa rin lusot – Senador Gatchalian

Hindi pa rin lusot sa anumang pananagutan sina Agriculture Secretary Manny Piñol at NFA Administrator Jayson Aquino.

Itoy kahit hindi sinibak ni Pangulong Duterte ang dalawang opisyal sa kabila ng mga panawagang alisin sila sa pwesto dahil sa kapalpakan sa suplay ng bigas

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na may pananagutan sina Piñol at Aquino sa nangyaring problema sa bigas .

Katunayan bigo aniya ang mva opisyal na matiyak na may sapat, walang bukbok at murang bigas sa merkado.

Isa si Gatchalian sa mga nagsusulong na buwagin na ang NFA dahil hindi naman nagagawa ng mga pinuno nito ang kanilang mandato.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *