Senador Trillanes tinawag na political persecution ang pagbawi ng amnestiya laban sa kanya

Tinawag na political persecution ni Senador Antonio Trillanes ang bantang pag-aresto sa kanya matapos bawiin ang amnesty sa kasong kudeta.

Sinabi ni Trillanes na noong nakaraang taon nya pa narinig ang mga report na pinag-aaralan talaga ng gobyerno na i-revoked ang amnestiya laban sa kanya.

Pero iginiit ng senador na taliwas sa pahayag ng Malacanang at Deparment of Justice, nagsumite sya ng official amnesty application at inaming guilty sa kasong rebelyon katunayang naisyuhan sya ng amnesty certificate.

Iginiit ng senador na ginigipit lang sya ng administrasyon dahil walang malinaw na kasong maiharap laban sa kanya.

Pagtiyak naman ni Trillanes, handa syang sumama sa arresting team sakaling matuloy ang pagpapaaresto sa kanya ng Malacanang.

Sa ngayon, sinabi ni Trillanes ginagawa na ng kaniyang mga abugado ang lahat ng legal na remedyo at susunod sya sa magiging pasya ng senate leadership.

Sinabi naman ni Senate Presidnet Vicente Sotto na hindi nya pa natatanggap ang offcial copy ng proclamation no. 572.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *