Aguirre sinatasan ang NBI na imbestigahan ang pagpaslang sa Provincial Health Officer na si Dr. George Repique Jr

Ipinagutos na rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa NBI na imbestigahan ang pagpaslang sa Provincial Health Officer na si Dr. George Repique Junior.

Sa  Department Order  486, inatasan ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng case build-up at magsumite sa kanya ng report  sa development at sa estado ng pagsisiyasat.

Si Repique  ay galing sa kanyang hospital duty sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital nang siya ay pagbabarilin ng mga salaring nakaangkas sa motorsiklo noong July 11.

Kinondena ng DOH ang pagpaslang lalo na’t  kilalang kumakalinga sa mga mahihirap si Repique .

 Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *