Klase sa Quezon City, kanselado sa Lunes, July 24 dahil sa SONA ni Pangulong Duterte

Nagkansela na ng klase ang Quezon City para sa mga mag-aaral sa lahat ng antas sa July 24, Lunes.

Ito’y para magbigay-daan sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ipinalabas ni Q.C Mayor Herbert Bautista, sakop ng suspension ng klase ang lahat ng antas sa QC sa public at private schools.

Inaasahan kasi ang mga kilos protesta at pagsisikip ng daloy ng sasakyan sa maraming lansangan sa lungsod sa nasabing araw.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nadeklara rin ang lokal na pamahalaan ng Q.C ng suspensyon ng klase dahil sa SONA.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *