Ama ng Maute brothers nasa Maynila na

Nailipat na sa Metro Manila ang ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute.

Si Cayamora ay una nang naaresto sa isang checkpoint sa Davao City.

Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, hatinggabi na nang dumating sa Metro Manila ang matandang Maute.

Hindi naman idinetalye ni Padilla ang biyahe ng ama ng mga Maute.

Aniya, hindi batid ng militar kung saan ito dinala para pansamantalang ikulong.

Sinabi na rin ng mga otoridad na dapat ilipat mula sa Davao si Cayamora dahil sa pangamba na “i-rescue” ito ng mga kasama.

Lalo na ngayon na nasa ika-17 araw na ang krisis  sa Marawi at hindi pa rin nareresolba.

Nahuli si Cayamora ng Joint Task Force Davao at ang apat na kasamahan nito na nakilalang sina Kongan Alfonso Balawag ang ikatlong asawa ni Cayamora; ang kaniyang anak na si Norhayna Maute, ang asawa ni Norhayna na si Benzarali Tingao at ang driver nila na si Aljon Salazar Ismael.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *