Amnesty ni Senador Antonio Trillanes pinawalang bisa ni Pangulong Duterte

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senador Antonio Trillanes IV.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra tumatayong caretaker ng Malakanyang na binabawi ang amnesty na ibinigay kay Trillanes sa pamamagitan ng proclamation 572 na pinirmahan ng pangulo noong August 31 2018.

Ayon kay Secretary Guevarra dahil sa proclamation 572 pinapawalang bisa ang dating proclamation 75 na pinirmahan ni dating Pangulong Aquino noong 2010 na nagbibigay ng amnesty kay Trillanes at mga kasamang miyembro ng Magdalo group na naharap sa kasong mutiny dahil sa Oakwood at Manila Peninsula incident.

Inihayag ni guevarra na ginawang grounds sa pagbawi ng amnesty ni Trillanes ang hindi pagsunod sa requirements sa pagbibigay ng amnesty na kinabibilangan ng paghahain ng amnesty application at pag-amin sa krimen.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *