Antipolo Cong. Romeo Acop nangangamba na lalakas ang loob ng mga gun-for-hire groups kung hindi mareresolba ang pagpatay kay AKO Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe

Nangangamba ang isang dating Police General at ngayoy Antipolo Cong. Romeo Acop na mas lumakas ang looob ngayon ng mga gun for hire na pumatay ng mga high profile na pulitiko kung hindi mareresolba ang kaso ng pagpatay kay AKO Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay Acop at papalapit pa naman ang 2019 midterm elections. maaari kasi aniyang isipin ng mga ito na ganon lamang pala kadali ang pumatay kahit ng mga kilalang pulitiko pa.

Nakakalungkot aniyang isipin na sinasamantala ng mga kriminal ang kabiguan ng mga awtoridad na magbigay ng agarang hustisya sa mga kriminal at kanilang nabibiktima.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *