Arrest warrant ni South Korean President Yoon, kinansela ng korte

0
South Korean President President Yoon Suk Yeol

South Korea's impeached President Yoon Suk Yeol attends the hearing of his impeachment trial over his short-lived imposition of martial law, at the Constitutional Court in Seoul, South Korea, February 20, 2025. SONG KYUNG-SEOK/Pool via REUTERS/File Photo

Kinansela ng isang korte sa South Korea ang arresr warrant ng na-impeach na si President Yoon Suk Yeol, na nagbigay daan para lumaya ito mula sa kulungan makaraan siyang arestuhin sa kalagitnaan ng Enero dahil sa insurrection charges kaugnay ng maikling pagpapatupad ng martial law.

Ayon sa broadcaster na YTN, sinabi ng legal counsel ni Yoon, “South Korea’s rule of law is still alive.”

sinabi naman ng local media, na si Yoon ay inaasahang agad na palalayain at dadalo sa paglilitis sa kaniya habang nasa labas ng detensiyon.

A supporter of South Korean impeached President Yoon Suk Yeol holds up a poster after the court decided to release him, in front of the Seoul detention center in Uiwang, South Korea, March 7, 2025. REUTERS/Kim Hong-ji

Sa argumento ng mga abogado ni Yoon, ang warrant na inisyu noong January 19 na sanhi ng detensiyon nito ay invalid dahil ang kahilingan na inihain ng mga prosecutor ay may depekto sa pamamaraan.

Idineklara ni Yoon ang martial law noong December 3 sa pagsasabing kailangan ito upang masawata ang mga elementong kalaban ng estado, ngunit binawi rin makalipas ang anim na oras, makaraang iyong tutulan ng parliyamento sa pamamagitan ng botohan. Aniya, hindi niya naging intensiyon na ipatupad nang ganap ang emergency military rule.

Supporters of South Korean impeached President Yoon Suk Yeol react after the court decided to release him, in front of the Seoul detention center in Uiwang, South Korea, March 7, 2025. REUTERS/Kim Hong-ji

Ilang linggo pagkatapos nito, siya ay in-impeach ng opposition-led parliament sa mga akusasyon na nilabag niya ang kaniyang constitutional duty sa pamamagitan ng pagdedeklara ng martial law.

Si Yoon ay nahaharap sa isang hiwalay na criminal trial at naging kauna-unahang nakaupong pangulo na inaresto dahil sa mga kasong kriminal noong January 15.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *