Australian Open semis hindi na tinapos ni Djokovic dahil sa injury

Tennis - Australian Open - Melbourne Park, Melbourne, Australia - January 24, 2025 Serbia's Novak Djokovic reacts during his semi final match against Germany's Alexander Zverev REUTERS/Edgar Su
Hindi na matutupad ang hangarin ng Serbian tennis start na si Novak Djokovic, na makuha ang pang dalawampu’t lima niyang grand slam title.
Napilitan itong magretiro ng maaga sa semifinals ng Australian Open dahil sa tinamong injury sa kaliwang hita.

Tennis – Australian Open – Melbourne Park, Melbourne, Australia – January 24, 2025 Serbia’s Novak Djokovic hugs Germany’s Alexander Zverev after retiring from their semi final match REUTERS/Edgar Su
Nagawa pang tapusin ni Djokovic ang unang set laban sa world number 2 na si Alexander Zverev, kung saan natalo siya sa score na 7-6(5), sa larong tumagal ng isang oras at 21 minuto.
Pinasalamatan naman ni Zverev ang mga manonood dahil naintindihan ng mga ito si Djokovic, nang hindi na nito tapusin pa ang laro.

Tennis – Australian Open – Melbourne Park, Melbourne, Australia – January 24, 2025 Serbia’s Novak Djokovic waves to the crowd as he leaves the court after retiring from his semi final match against Germany’s Alexander Zverev REUTERS/Jaimi Joy
Si Djokovic ay nakapasok sa semifinals ng Australian Open makaraan niyang talunin si Carlos Alcaraz ng Spain.
Sa laban nila ni Alcaraz ay humingi rin si Djokovic ng medical time out dahil sa kaniyang injury.