Libreng gamot, araw-araw na ipinamamahagi sa mga mamamayan ng San Juan City

Courtesy: Office of SJ Vice Mayor

Sa panahon natin ngayon, iba’t-ibang uri ang sakit ang lumalaganap sa kahit saang lugar na nagdudulot ng malaking suliranin sa mga mamamayan. 

Kaya naman ang Lungsod ng San Juan ay patuloy na nagsisikap na makatulong sa kanilang mamamayan.

Sa hirap ng buhay ngayon, isa ang tanggapan ni Vice Mayor Jose Warren Villa ang nag-alok ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gamot. Araw-araw ay nagbibigay ng bago at libreng mga gamot sa mga mamamayan na nangangailangan sa natutang siyudad.

Itinuturing na malaking tulong ito lalo na sa mga maysakit at hindi kayang bumili ng gamot na kanilang kailangan “ ang aking programa na pagbibigay ng libreng gamot ay itutuloy ko kasi malaking bagay ito sa ating mga kababayan lalong lalo na ang mga nahihirapang bumili ng kanilang maintenance medicine, alam naman natin na mahal ang mga gamut ngayon” ani Villa.

Dagdag pa ni Vice Mayor Villa “ namimigay din  tayo ng nebulizer, BP apparatus, wheel chair at iba pa sa mga nangangailangan “

Samantala, bukas palad ang Bise-Alkalde  na magbigay ng libreng gamot mula Lunes hanggang Biyernes, mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

Aniya, kung mayroon pang mga biglaang humingi o mangailangan ng kaniyang tulong, kahit hindi sa mga araw na nabanggit ay handa pa rin siyang magkaloob ng tulong sa mga nangangailangang kababayan.

Laking katuwaan naman at pasasalamat ng mga nabibigyan ng libreng gamut at mga medical equipment.

Shiela Mae Piolino/ Edith Vargas

Please follow and like us: