Bagong BOC Chief inanunsiyo na ni Pangulong Duterte

Inanunsiyo na ni Pangulong Duterte ang appointment ni PDEA Chief Isidro Lapenia bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs.

Ayon sa Pangulo si Lapena ay papalitan ni Police Official Aaron Aquino bilang pinuno ng PDEA.

Magugunitang inihayag ng Pangulo na tatlong beses nagsumite ng resignation letter sa kaniya si Customs  Commissioner Nicanor Faeldon subalit hindi niya ito tinanggap.

Si Faeldon ay nasa sentro ng kontrobersiya matapos makalusot sa Customs ang mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu mula sa NAIA.

Dalawang opisyal na rin ng Customs ang nagbitiw na sa tungkulin dahil sa nasabing kontrobersiya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *