Bagong COVID-19 cases sa Bansa nasa mahigit 10,000 na

Pumalo sa 10,775 ang bagong kaso ng Covid-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,871,745 ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Umabot naman na sa 39,974 ang bilang ng aktibong kaso ng virus.

May 605 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,780,109 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 58 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 51,662 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 3, habang may 9 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Repository System

Madz Moratillo

Please follow and like us: