Naitalang COVID-19 cases sa bansa ngayong araw ,pumalo sa 17,220

Umakyat pa sa 17,220 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,888,917 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pumalo naman sa 56,561 ang bilang ng aktibong kaso ng virus.

May 616 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,780,603 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 81 namang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 51,743 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 4, habang may 11 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: