Balyena natagpuang patay sa Cagdianao, Dinagat Islands Province

balyena

Natagpuang patay ang isang balyena sa dalampasigan ng Kantigdaon, Poblacion, Cagdianao Dinagat Islands Province.

Umaabot sa dalawampung talampakan ang haba, may buntot na 75 sentimetro at may timbang na tinatayang 2000 kilograms ang natagpuang balyena.

Ayon kay Sufenia Chua, Municipal Aquaculturist ng Cagdianao nasa stage na ng decomposition ang balyena kaya naging kulay puti ito.

Tinatayang humigit kumulang magdadalawang linggo na itong patay.

Posibleng may nakaaway ang balyena sa dagat o kaya ito ay nasagutan dahil sumabay ito sa barko.

Plano ng lokal na pamahalaan na ilibing ito sa dalampasigan dahil sa mahihirapan sila na iahon ito dahil sa sobrang bigat.

At kung maaagnas na ito ay huhukaying muli ang mga buto para i- reconstruct at ilagay sa Museum.

Ulat ni : Jabes A. Juanite

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *