Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, umarangkada na sa Navotas City

Umarangkada na sa Brgy. Nbbs Kaunlaran, lungsod ng Navotas, ang Bayanihan para sa Matatag na Paaralan.

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2023, sa Kapitbahayan Elem. School, sa paggabay ni Punong-Guro Dra. Floretta Quijano, ay pangunahing tinalakay ang kahalagahan ng pagbabayanihan.

Layunin nitong isulong ang de-kalidad at mataas na antas ng edukasyon sa nasabing paaralan.

Positibo naman ang naging pagtugon ng mga magulang, mga guro at mga mag aaral, na may pananabik din sa muling pagbubukas ng klase sa Agosto 29 taong kasalukuyan.

Naki-bayanihan din ang Nbbs Kaunlaran Brgy. officials at CISSg PNP Force Multiplier.

Samantala, inaanyayahan naman ni SGOD SDO-Navotas Chief Dra. Gemma Villaluna ang lahat na makiisa at maki-brigada.

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *