Pinaigting na seguridad sa dagat, patuloy na ipinatutupad ng Maritime Police sa Zamboanga City

Courtesy: Zamboanga MARPSTA

Kaugnay ng ipinatutupad na pangangalaga at seguridad sa dagat, ay patuloy ang isinasagawang Seaborne Patrol Operation ng Zamboanga Maritime Police Station personnel sa tubig-dagat ng Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 2 motorized banca, na walang kaukulang dokumento o permit.

Courtesy: Zamboanga MARPSTA

Agad ding ipinaalam sa mga naaresto ang ginawa nilang paglabag, at sila ay inanyayahan ng mga operatiba sa himpilan para sa profiling at pagsasampa ng kasong administratibo.

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *