Approval rating ni Sen. Pres. Pimentel nanatili lang, approval rating ni Speaker Alvarez bumaba – Pulse Asia

Nanatili lang sa 55 percent ang approval rating ni Senate President Koko Pimentel.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez naman ay bumaba ng tatlong porsyento ang approval rating at naitala sa 40.

Limang porsyento naman ang ibinaba ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na nakapagtala ng 42 porsyento.

Ang trust rating naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ay 76 porsyento mula sa 83, ang kanyang distrust ay 5 mula sa 4 at ang undecided ay 18 mula sa 13.

Si Vice President Leni Robredo naman ay nakapagtala ng 56 porsyentong trust rating mula sa 58, distrust rating na 16 mula sa 15 at undecided na 28 mula sa 27.

Tumaas naman ng isang porsyento ang trust rating ni Pimentel na nasa 51 porsyento.

Si Alvarez naman ay bumaba ng isang porsyento ang trust rating at naitala sa 37 porsyento.

Si Sereno ay may 40 porsyentong trust rating (mula sa 41

Nakakuha naman ng 55 porsyentong trust rating ang Senado; 10 porsyentong distrust at 32 undecided.

Ulat ni Madelyn Villar-Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *