Bilang ng mga namatay sa bakbakan sa Marawi City lumobo na sa 164

Umakyat  na sa 164 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Col. Edgard Arevalo, sa nasabing bilang, 120 dito ay mula sa hanay ng Abu Sayyaf at Maute members.

Sa panig naman ng gobyerno, nasa dalawampu’t lima na ang nasawi at labing siyam naman sa mga sibilyan.

Dagdag pa ni Arevalo, aabot naman sa 966 na sibilyan ang nailigtas na mula sa bakbakan at 98 naman na high-powered firearms ang narekober sa mga bandido.

Sinabi din ng opisyal na mayroon pang ilang lugar sa Marawi ang hawak pa rin ng Maute, at patuloy na nilalabanan ang mga sundalo at pulis na pumapasok.

Una nang sinabi ni AFP na nasa 90 porsyento na ng Marawi ang kanilang nabawi mula sa teroristang grupo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *