Bilang ng mga namatay sa bakbakan sa Marawi City, umakyat na sa 510

 

Umakyat na sa 510 ang bilang ng mga namatay sa nagpapatuloy na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman B/Gen. Restituto Padilla na sa ika-limampung araw ng bakbakan sa Marawi City ay umakyat na rin sa 90 sundalo na ang nagbuwis ng kanilang buhay.

Umaabot naman sa 381 ang bilang ng mga napatay na terorista habang 39 ang bilang ng mga sibilyan.

Ayon kay Padilla nasa 461 naman na matataas na kalibre ng baril ang narekober at 1,723 sibilyan ang na-iligtas

Nauna nang sinabi ng Department of Social Welfare and Development na marami na rin ang mga nagkakasakit sa mahigit sa 40,000 na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *