Operasyon ng Marawi City Hall, balik normal na sa kabila ng kaguluhan doon

Sa kabila ng nagpapatuloy na bakbakan  ng tropa ng gobyerno at Maute terror group, balik na sa normal ang operasyon ng Marawi City Hall.

Bahagi ito ng paghahanda ng pamahalaan para sa muling pagbangon ng Lungsod.

Kabilang sa magsisimula ang operasyon sa City Hall ay ang Marawi City Council, Engineering Department, Treasurer Office at Social Workers Department ng siyudad.

Gayunman, pinaalalahan ng pamahalaang lokal ng Marawi ang kanilang mga kababayan na nananatiling mapanganib sa Lungsod.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *