Bilang ng mga nasawi sa Marawi City siege umabot na sa 500 – AFP

 

Umabot na sa mahigit limandaang ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa datos ng Armed Forces of the Philippines noong nagdaang weekend, nadagdagan pa ng labingdalawa ang bilang ng mga kalaban na napatay.

Sinabi ni AFP Spokesman, Brigadier Gen. Restituto Padilla, sa ngayon, 379 na ang bilang ng mga napapatay na kalaban.

Nananatili sa 39 ang bilang ng sibilyan na nasawi habang 89 naman ang bilang ng mga nasawing tropa ng pamahalaan.

Samantala, patuloy ang clearing operations na ginagawa ng militar at pagbagsak ng bomba sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute terror group.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *