Isang Anti-crime group walang naitalang kidnapping incident sa nakalipas na 2 buwan

Walang naitalang kidnapping incident ang isang Anti-crime Group sa nakalipas na dalawang buwan.

Ayon kay Teresita Ang-See, Chairperson ng Movement for Restoration of Peace and Order, maituturing na malaking development ito dahil sa loob ng dalawang buwan ay wala silang tinutukang bagong kaso.

Kung ikukumpara aniya sa mga nakalipas na taon, hindi bababa sa dalawang kidnapping incident ang kanilang naitatala kada linggo.

Samantala, sinabi ni Ang-See na kabilang sa tinututukan nila ngayon ang kidnapping-murder case ni Gertrudes Tan sa Angat, Bulacan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *