Bilang ng tropa ng pamahalaan na nasawi sa Marawi siege, pumalo na sa 82

Umakyat na sa walumpu’t dalawa ang bilang ng tropa ng pamahalaan na nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa pinakahuling update, 44 na sibilyan na ang naitalang patay, 1,713 ang nailigtas, 303 na terorista ang napatay at 82 ang nasawi sa tropa ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General  Restituto Padilla, patuloy ang kanilang clearing operations sa mga lugar kung saan nagkukuta pa rin ang mga rebelde.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *