Pangulong Duterte alam ang panganib sa kanyang buhay kapag pumunta sa Marawi ayon sa Malakanyang

Alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta sa kanyang buhay kapag ipinilit na personal na magtungo sa Marawi City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mayroong security assessment ang Presidential Security Group o PSG at militar kung ligtas ba ang Pangulo na magtungo sa Marawi City.

Itoy matapos ihayag mismo ng Pangulo na nais niyang magtungo sa Marawi City bilang paggunita sa unang taong panunungkulan bilang Presidente.

Inihayag ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na nagbigay sila ng rekomendasyon sa Pangulo na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Marawi City hanggat hindi pa tuluyang nababawi ang lungsod sa kamay ng mga teroristang Maute group.

Sa ngayon  apat pang barangay sa Marawi City ang hawak pa rin ng teroristang Maute group.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *