BIR, hindi na magbibigay ng extension sa pagbabayad ng Income Tax
Nagbigay babala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga hindi pa nakapag babayad ng Income Tax na hindi nila palalawigin ang deadline ng pagbabayad ng income tax na itinakda sa darating na April 15.
Sa ecomomic briefing sa Malakanyang sinabi ni Atty. Marisa Cabreros spokesman ng BIR dapat ay makapagbayad na ang mga dapat magbayad ng buwis bago ang deadline dahil kung hindi aabot ang mga ito ay magkakaroon na ng penalty ang kanilang babayaran.
Ayon kay Cabreros na mas maganda din na huwag nang paabutin ng huling araw ng bayaran ang pagbabayad ng income tax upang makaiwas sa mahabang pila sa mga BIR offices at upang makaiwas narin sa mga hindi inaasahang aberya.
Inihayag ni Cabreros, hindi na palalawigin pa ng BIR angdeadline ng pagbabayad ng income tax.
Pinaalalahanan din ni Cabreros ang mga tax payers na ipinatutupad na nila ang online payment upang hindi na kailangan pang pumila sa mga BIR offices.
Ulat ni Vic Somintac