Blue alert status, itinaas na ng NDRRMC dahil sa Bagyong Lannie

Nakataas sa blue alert status ang lahat ng sangay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ito ay bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Lannie na ngayon ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan na handa na ang kanilang mga lokal na tanggapan, ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at mga lokal na pamahalaan sa anumang epekto ng pagpasok na bagyo.

Pinapayuhan din ng NDRRMC ang publiko na magmatyag sa sitwasyon, magmonitor sa mga himpilan ng TV at Radyo at sumunod sa mga utos ng mga local officials lalo kung kinakailangan na ang paglikas.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *