BuCor maglalagay na ng high tech signal jammers sa NBP

Maglalagay na ng mga high tech signal jammer ang Bureau of Corrections sa loob ng New Bilibid Prisons.

Ayon kay BuCor Director Benjamin delos Santos ang kanilang mga signal jammer ay mula sa Israel at may kakayahang hanapin ang mga naka-on na cellphone sa loob ng NBP.

Kaya rin nito na ma-retrieve ang mga text message na ipinapadala ng mga cellphones.

Sa kabuuan ay gumastos ang Department of Justice ng isandaang milyong piso para sa pagbili ng nasabing  makabagong signal jammers.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *