Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng big time oil price hike bukas

Muli na namang magpapatupad ng big time oil price hike sa ikalawang sunod na linggo ang mga kumpanya ng langis bukas, Hulyo 11.

Ayon sa source, maglalaro sa piso at sampung sentimos hanggang piso at dalawampung sentimos ang dagdag sa presyo ng Diesel.

Pitumpu hanggang walumpung sentimos naman ang inaasahang umento sa kada litro ng Gasolina habang tinatayang nasa siyamnapung sentimos naman ang posibleng maging umento sa Kerosene.

Tulad ng inaasahan, ang nasabing malakihang umento sa presyo ng langis ay bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *