Cancer assistance fund para sa mahihirap isinusulong sa senado
Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na bumuo ng 30
billion assistance fund para sa mahihirap na cancer patient.
Sa senate bill 1570, kasama sa tutustusan ng pondo ang integrated
cancer control and management program gaya ng screening, detection,
diagnosis at treatment assistance.
Bahagi ng pondo ay kukunin sa sampung porsyento ng incremental revenue
mula sa excise tax ng alcohol at iba pang tobacco products.
Sa pamamagitan din ng batas matitiyak ang sapat na suplay ng cancer
medecines at mga bakuna para sa rehabilitasyon ng mga pasyente.
Sinabi ni Senador Angara na may karapatan ang bawat pasyente na mabuhay at
mabigyan ng suporta ng gobyerno.
Sa datos kasi ng Philippine statistical Authority, pito kada
oras ang namamatay dahil sa cancer.
Ulat ni Meanne Corvera