Cathy Binag inilaglag ng kapatid ni Davao del Norte Cong. Antonio Floirendo

Nilinaw ng TADECO o Tagum Agricultural Development Company Inc. na hindi awtorisado na magsalita para sa kumpanya si Cathy Binag.

Si Binag ang sinasabing girlfriend ni Davao del Norte Cong. Antonio Floirendo.

Sa isang statement, nilinaw ni Vicente Floirendo, ang Senior Vice President at Chief Operating Officer ng TADECO, na hindi konektado si Binag sa kanilang kumpanya.

Lahat aniya ng pahayag ni Binag na inilalabas sa media, verbal man, written o kahit sa anong paraan, ay maituturing na sariling opinyon nito at walang pahintulot ng TADECO at ng pamilya Floirendo.

Ang TADECO ay nasa gitna ng kontrobersiya kasunod ng paghahain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng reklamo laban kay Cong. Antonio Floirendo sa Ombudsman at pagpapa-imbestiga hinggil sa umano’y kwestiyunableng kontrata ng kumpanya sa Bureau of Corrections para sa taniman ng saging sa Davao Penal Colony.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: