Cellphone ng Bilibid inmate na si Jun Villamor, hindi pa nahahanap –BuCor

Inamin ni Bureau of Corrections officer-in-charge (OIC) Gregorio Catapang Jr. na hindi pa nila nahahanap ang cellphone ng namatay na Bilibid inmate na si Jun Villamor.

Si Villamor ang sinasabing middleman sa pagpaslang sa broadcast journalist na Percy Lapid.

Ayon kay Catapang, wala na sa selda ni Villamor ang cellphone nito.

Pero tiniyak ni Catapang na pipilitin nilang mahanap ang cellphone ni Villamor na ginamit para sa krimen at pag-contact din sa kapatid nito.

Ipinagutos na ng opisyal na alamin ang lahat ng selda kung saan napiit si Villamor mula nang siya ay makulong sa Bilibid hanggang sa ito ay mamatay para mahanap ang posibleng kinaroroonan ng cellphone.

Kinausap na rin aniya ang mga kasama nito sa selda.

Wala naman aniyang ibang bilanggo na nagsabing nakita nila na gumagamit ng cellphone si Villamor.

Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi problema kung hindi makita ang mobile phone ng inmate.

Malalaman o mati-trace naman kasi aniya ng mga otoridad ang record ng cellphone ni Villamor.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *