DPWH , muling ipatutupad ang lakbay alalay para sa long weekend

Muling bubuhayin ng Department of Public Works and Highways ang Lakbay Alalay para sa darating na long weekend.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, magsisimula ang operation ng kanilang lakbay alalay 12 ng tanghali bukas, October 28 hanggang sa November 2.

Bawat team ay bubuuin ng unipormadong field at crew personnel na may maintenance equipment na naka-standby at navy blue-colored tents sa bawat station.

Tiniyak naman ni Bonoan na inayos na nila ang mga pangunahing lansangan at libre na ito mula sa mga obstruction at butas.

Ang hakbang ng DPWH ay kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga motorista pauwi ng probinsya para samantalahin ang long weekend.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *