Chief Justice on leave Sereno, magrereport na sa trabaho sa Korte Suprema ngayong araw

 

Mahigit dalawang buwan matapos na magbakasyon sa pwesto, balik trabaho na ngayong araw sa Korte Suprema si Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema, tumawag si Sereno kay Acting Chief Justice Antonio Carpio at nag-abiso itong magrereport na sa trabaho.

Ang muling pagbabalik ni Sereno sa Supreme Court ay dalawang araw bago ang botohan ng SC en banc sa Biyernes sa Quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno.

Naghain ng indefinite leave si Sereno sa kanyang puwesto umpisa noong March 1, 2018.

Samantala kinumpirma rin ng mga tagapagsalita ni Sereno na nagreport na ito sa trababo at nasa loob na ng kanyang opisina kaninang alas- 7:30 ng umaga.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *