China ilang beses nag-aplay para sa Maritime research sa Benham Rise – DFA

Inamin ng Department of Foreign Affairs na ilang beses nag-aplay ng permit ang China para makapagsagawa ng marine scientific research sa Benham Rise.

Sa pagdinig ng Senado sinabi ni Director Ma.Lourdes Montero, Officer in Charge ng maritime and ocean affairs ng Department of Foreign Affairs na nagsumite ng application ang China noong 2015 at 2016 pero ibinasura ito ng technical agencies ng gobyerno.

“In the past, we have received applications from marine scientific research in that area from China and we have consulted the technical agencies, and so far, with respect to the request referring to the Benham Rise area we have received in 2016 and 2015, this request has been denied based on the consensus of the agencies involved”. – Dir. Montero

Ang DFA ang nag-aapruba ng anumang application para sa research depende sa klase ng isasagawang research.

Pero ang namataan na Chinese vessel sa Benham Rise noong Nobyembre ng nakaraang taon, hindi dumaan sa kanilang tanggapan.

Pero ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, may kapangyarihan rin ang Pangulo na magbigay ng anumang permit.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: