Comelec dismayado sa mababang turnout ng overseas voting

0
COMELEC LOGO

Dismayado ang Commision on Elections (Comelec), sa mababa pa ring voter turnout ng ginawang Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa kauna-unahang internet voting para sa OAV, ay 18.12% lang ang mga bumoto.

Para naman sa ilang bansa na sa pamamagitan ng Automated Counting Machines (ACM) ang pagboto, ay 25-26% lamang.

Sinabi ni Garcia, “Mababa kumpara sa expect, Hindi maintindihan nung 2019 ay 18% voters turnout abroad. Hindi ko maisip na walang nagpunta sa embahafa o konsulada. Hindi rason na nahirapan sa pag-enroll.

COMELEC Chairman Goege Garcia

Sa katatapos na halalan, 77 post abroad ang bumoto gamit ang internet, habang 16 naman ay ACM dahil sa internet restriction sa kanilang bansa.

Ang overseas voting ay nagsimula noong April 13.

Noong May 2022 elections, nasa 38.61% ang voter turnout sa OAV kaya umasa ang Comelec, na dahil sa internet voting ay mas tataas ang bilang ng mga boboto.

Sa datos ng poll body, tinatayang nasa higit 1,2 milyon ang Pinoy overseas voters.

Natuwa naman ang Comelec sa turnout ng mga bumoto sa early voting, na umabot ng higit tatlong milyon sa loob lang ng dalawang oras.

Ang early voting ay para sa mga nakatatanda, buntis at persons with disabilities (PWDs).

Ayon Kay Garcia, “Ipinanukala na magkaroon ng early voting hour sa nakatatanda, para relax na sila. Maraming presinto ang hindi mo kasabay.Di bale nang mapagastos kung makasisiguro namang maayos ang magiging pagboto ng nasa vulnerable sector, at marami naman sa kanila ang bumuboto naman talaga.”

Madelyn Villar-Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *