COMELEC, nagpaalala sa mga kandidato hinggil sa pagsusumite ng SOCE kahit natalo at umatras

0
photo_2025-05-16_16-17-05


COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco / Photo: Screen grab from Laging Handa briefing

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kumandidato, nanalo man o hindi, na huwag kalimutang magsumite ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Babala ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang kabiguang magsumite ng SOCE ay may katapat na parusa.

Kung nanalo ang kandidato pero hindi pa nagsusumite ng SOCE, ay hindi siya puwedeng umupo sa puwesto.

Kshit natalo, kailangan ring magsumite ng SOCE.

Sabi ni Laudiangco, sa 1st offense ay may multa habang perpetual disquaidication sa pangalawa.

Sa mga umatras naman sa kandidatura, kung binawi ang Certificate of Candidacy (COC) bago ang pagsisimula ng campaign period, walang problema.

Pero kung simula na ang campaign period, kailangan pa rin nilang magsumite ng SOCE.

Ang panahon ng paghahain ng SOCE ay nagsimula noong Mayo 13 at tatagal hanggang Hunyo 11.

Madelyn Villar-Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *