UN, hindi makikibahagi sa tulong sa Gaza na suportado ng US

0
642463c6cd8c0d82a201b18b0470ea00

Photo: Reuters

Sinabi ng United Nations na hindi ito makikibahagi sa U.S-backed humanitarian operation sa Gaza, dahil hindi sila impartial, neutral o independent, habang nangako naman ang Israel na pangangasiwaan ang pagsisikap nang hindi sasangkot sa aid deliveries.

Ayon kay deputy U.N. spokesperson Farhan Haq, “This particular distribution plan does not accord with our basic principles, including those of impartiality, neutrality, independence, and we will not be participating in this.”

Magsisimula nang trabaho sa Gaza ang U.S.-backed Gaza Humanitarian Foundation sa pagtatapos ng Mayo, sa ilalim ng lubhang binabatikos na aid plan na inilarawan ni U.N. aid chief Tom Fletcher na isang “fig leaf for further violence and displacement” ng mga Palestinian sa Gaza.

Intensiyon ng foundation na makipagtulungan sa pribadong U.S. security and logistics firms sa pagbibiyahe ng ayuda sa Gaza para ipamahagi ng aid groups, ayon sa isang source na pamilyar sa plano.

Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Antalya, Turkey, sinabi ni U.S. Secretary of State Marco Rubio na alam nila ang mga kritisismo, at sinabing bukas ang Washington sa anumang alternatibong plano upang madala ang ayuda sa mga sibilyan, “nang hindi mananakaw ng Hamas.”

Sa pakikipag-usap naman niya kay Israeli Prime Minister Bnejamin Netanyahu, sinabi ni Rubio, “We’re not immune or in any way insensitive to the suffering of the people of Gaza, and I know that there’s opportunities here to provide aid for them. There are criticisms of that plan. We’re open to an alternative if someone has a better one.”

Sinabi ng tanggapan ng U.N. Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, na ang U.N. ay “may solid at prinsipled operational plan upang i-deliver ang humanitarian aid ay life-saving services at scale and immediately across the Gaza Strip.”

Inauksahan ng Israel ang Palestinian militant group na Hamas ng pagnanakaw sa mga ayuda, na itinanggi ng grupo, at pagharang sa delivery ng lahat ng humanitarian assistance sa Gaza mula noong March 2, at nag-demand na palayain na ang lahat ng natitirang mga bihag.

Noong Lunes, nagbabala ang isang global hunger monitor na mahiguit sa kalahating milyong katao ang nahaharap sa kagutuman, o 1/4 ng populasyon sa Palestinian enclave, kung saan ang Israel at Hamas ay may giyera simula pa noong October 2023.

Sa pagtatangkang matugunan ang ilang alalahanin, hiniling ng Gaza Humanitarian Foundation sa Israel na palawigin ang isang inisyal na bilang ng tinatawag na secure aid distribution sites sa timog ng Gaza hanggang hilaga sa loob ng 30-araw. Hiniling din nito sa Israel na hayaan ang U.N. at iba pa na ipagpatuloy ang aid deliveries ngayon hanggang sa ito ay mai-set up.

Sinabi ni U.N. Ambassador to Israel Danny Danon, “I’m not familiar with those requests, maybe when they went into Jerusalem, but I will tell you that we appreciate the effort of the United States. We will not fund those efforts. We will facilitate them. We will enable them. We will not be the one giving the aid … It will be run by the fund itself, led by the U.S.”

Hinimok ng Israel at U.S. ang U.N. at aid groups na makipag-cooperate at magtrabaho kasama ng foundation.

Hindi malinaw kung paanong popondohan ang foundation. Sinabi ng isang State Department spokesperson na walang US government funding na mapupunta sa foundation.

Sa isang fact sheet sa foundation, na umiikot sa kalipunan ng aid community noong isang linggo, ay nakatala ang respetadong dating U.N. World Food Programme chief na si David Beasley bilang isang potensyal na adviser.

Gayunman, isang source na pamilyar dito ang nagsabing sa kasalukuyan ay hindi sangkot si Beasley sa effort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *