Commission on Appointments nagbantang kakasuhan ng Perjury si Foreign Affairs Sec.Yasay

Nagbabala ang Commission on Appointments na kakasuhan ng Perjury si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng komite, ito ay kung mapapatunayan na authentic ang mga nakalap nilang dokumento na magpapatunay na isa itong US citizen.

Sa naunang pagharap ni Yasay sa CA noong nakaraang linggo, iginiit nito na hindi niya nakuha ang kaniyang US citizenship dahil umuwi na siya ng Pilipinas noong 1986.

Tiniyak naman ni Lacson na bibigyan  ng pagkakataon si Yasay na makapagpaliwanag.

Bukas, ipagpapatuloy sana ang confirmation sa kalihim pero humingi ito ng paumanhin dahil kasalukuyan itong nasa abroad kaya ipinagpaliban na ang pagharap nito sa susunod na linggo.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.