Water interruption sa Muntinlupa City

Makakaranas ng water service interruption ang limang barangay sa Muntinlupa City ngayong araw , February 28.

Apektado ng interruption ang Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at Tunasan.

Ayon sa Maynilad,  magsisimula ang water interruption alas 12:00 ng tanghali hanggang  mamayang alas 11:00 ng gabi.

Sinabi ng Maynilad na may isinasagawang maintenance activity sa water treatment plant sa Muntinlupa kaya kailangang ipatupad ang water service interruption.

Sa mga apektadong residente na mangangailangan ng rasyon ng tubig, maaring tumawag sa 737-3311.

Tiniyak naman ng Maynilad na agad ibabalik sa normal ang suplay ng tubig kapag natapos na ang pagsasaayos.

Please follow and like us: