DOH, nakapagtala ng karagdagang 7,174 Covid-19 cases ngayong Linggo

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 7,174 mga kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 1,101,990 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Pero sa nasabing bilang, 61,294 ang aktibong kaso.

Gayunman, nakapagtala naman ang DOH ng panibagong 9,197 na mga gumaling sa sakit kaya pumalo na sa 1,022,224 ang recovered cases.

May naitala ring bagong 204 na mga pumanaw kaya umakyat na sa 18,427 ang death toll ng bansa mula sa Covid-19.

Please follow and like us: