DOH nakapagtala ng panibagong higit 10,000 nakarekober mula sa Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng panibagong 10,179 mga nakarekober sa Covid-19.

Dahil dito, pumalo na sa 1,013,204 ang recovered cases sa bansa mula sa virus infection.

Samantala, nakapagtala naman ng panibagong 6,979 kaso ng Covid-19 sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 1,094,849 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

Pero mula sa nasabing bilang, 63,376 ang aktibong kaso.

Mayroon namang bagong 170 na namatay sa sakit kaya nasa 18,269 na ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: