COVID- 19 cases sa bansa pumalo na sa mahigit 500,000

Pumalo na sa 500,577 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 24,691 lamang ang aktibong kaso.

May 1,895 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 107 new cases, Quezon City na may na may 106 new cases, Isabela na may 65 new cases, Pampanga na may 63 new cases at Bulacan na may 62 new cases.

Mayroon namang 5,868 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 465,991 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 11 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,895 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: